Sabado, Abril 26, 2014

Ang kulay ng La Trinidad, Benguet (Part I)


Nabisita mo na ba ang munispalidad ng La Trinidad? Kung hindi pa... halina't silipin ang ganda't kulay nito!

La Trinidad, the "Strawberry Capital of the Philippines"
Ang La Trinidad ay ang sentro ng komersyo at ang kabisera ng probinsya ng Benguet. Dito makikita ang Strawberry Farm na hitik sa mga tanim na strawberries. Ilang dekada na ang nakalipas ng ito'y pangalanang "Strawberry Capital of the Philippines" at dito rin sa lugar na ito itinatampok ang "Strawberry Festival" na ginaganap sa buwan ng marso hanggang sa unang linggo ng abril kada taon.




Ang probinsiya ng Benguet ay mayroong labing-tatlong munisipalidad at ang La Trinidad ay ang pinakamaliit sa mga ito bagama't ito rin ang angat sa pag-unlad at paglago ng ekononomiya. Ang La Trinidad rin ang sentro ng edukasyon at kalakan ng gulay sa buong probinsya.

Heto ang ilan sa mga imaheng maaring ninyong ikaantig na makikita sa munisaplidad ng La Trinidad:
:
Mt. Kallugong- sa tuktok nito'y inyong matatanaw ang kabuuan ng La Trinidad town.



Tabi ng Strawberyy Farm ang mga booths na kung saa'y makakabili ng iba't ibang produktong hatid ng La Trinidad.
Ang Strawberry Valley Hotel & Restaurant na siya ring katabi ng Farm at kung saan matitikman ang iba't ibang patok na mga resipeng i-benguet!


Hindi lamang Strawberries ang inyong makikita sa Srawberry Farm, makakaita ka rin rito ng iba't-ibang tanim na gulay tulad ng letsugas, repolyo, at iba pang mga tanim na makikita sa probinsya ng Benguet.

Sa larawang ito ay makikita ang magkakahalong mga tanim-- strawberries, lettuce, at iba pang mga tanim.




 Ang mga larawan namang inyong makikita sa ibaba ay mga sari-saring mga produktong makikita sa La Trinidad:


Wood Carved Products

Isa sa pinaka natatanging produktong makikita rito ay ang Snake Wine. Ito'y tradisyonal na ginagawa ng ilang magbubukid. Mahigit sa Php 3,000.00 ang presyo ng isang bote ng Snake Wine.
Key Chains.

Tradisyunal na itak o "buneng".

Sa La Trinidad rin makikita ang umbok ng mga tinitindang gulay na nanggagaling sa iba't ibang munisipalidad ng Benguet province. La Trinidad-- the center of Vegetable trade in Benguet.
Kaya hali na! Biyahe na at tingnan ang ganda't kulay ng LA TRINIDAD! :)

1 komento: